Grabe, ang init.
Sa sobrang init, hindi mo maiiwasan ang pag sabi ng "@#$%!, ang init!!" Ito na siguro yung sinasabi nilang init ng impyerno.
Sa sobrang init, pwedeng pwede ka na magluto ng itlog at hotdog sa dashboard ng mga kotse.
Sa sobrang init, yung binili mong ice cream e, tunaw na bago mo pa dilaan. Yung binili mong halo-halo sa Razon's, bago pa ibigay saiyo e, parang gatas na lang.
Sa sobrang init, bumigay yung nag-iisang mong electric fan, idagdag mo na rin ang pag bigay ng mga computer sa computer shop malapit samin.
Sa sobrang init, yung mga tambay diyan sa kanto namin, napilitan nang magpakalbo.
Sa sobrang init, gusto mo nang bigyan ng rexona yung katabi mong nangangamoy jabbar sa jeep, kasi it won't let you down.
Sa sobrang init, dumadami mga mukhang singit.(anong connect?)
Sa sobrang init.... mapapamura ka ng @#$%!, ang init! o kung gusto mo mas sosyal pa @#$%!, so freakin' hot!
Pag mainit ang panahon, umiinit ang ulo ng mga tao. Lalong lalo na pag tirik na tirik ang araw kung saan tatagaktak ng malupit ang pawis mo kahit saan mang sulok ng inyong bahay.
Makabili na nga lang ng softdrinks..
"Ale, pabili nga po ng softdrinks". Ay, wala nang malamig e. "@#$%!"

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento