4.25.2012

Pacman III: Exam

Nagmamadaling pumasok si Alberto noon na suot suot ang kanyang paboritong tshirt na may mukha ni Pacman papuntang eskwelahan. Suot suot rin niya ang paboritong sapatos na may mukha nanaman ni Pacman. Habang naglalakad papasok, nakasalubong niya ang kanyang dalawang kaklase. Tinanong siya kung bakit yun ang suot niya.

"Alberto, bakit ka naka tshirt at rubber shoes? Exam natin ngayon, dapat naka uniform"
"Wala akong pake, alam ni idol kung ano ang tama"
"Ang kulit mo, bahala ka, hindi ka makakapag-exam".

Nang nakarating na sila sa eskwelahan, agad agad na dumiretso si Alberto sa kanilang classroom. Umupo at tinignan ang picture ni Pacquiao na kanyang idol sa kanyang pitaka. "Idol, eto na ang tagumpay ko".

Pumasok na ang kanilang guro, agad niyang napansin si Alberto na iba ang suot at hindi naka uniform.

"Alberto, bakit hindi ka naka-uniform? May exam tayo ngayon"
"Alam po ni idol ang tama Ma'am"
"Anong tama? Walang gagawin yang pinagpapawisang picture ni Pacquiao sa exam, Alberto! Hindi yan makakatulong!"
"Wag niyo pong gaganyanin ang aking idolo, alam po niya      "
"Wala akong pake, get out of the room, Alberto!"

Hindi siya nakapag-exam nung araw na yon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento