4.25.2012

Pacman II: Bigo

Ang pinaka inaabangang laban ni Alberto ay ang laban nila Pacman at Erik Morales. Nanonood ang buong pamilya. Halos di na mapakali si Alberto sa kakahintay sa main event ng laban ng kanyang idolo. At dahil sa sobrang dami ng commercial na tila umaabot ng bente minutos kada tapos ng round na puro baterya ng kotse, mga energy drink, mga pintura, mga super glue, at kung ano-ano pang klase ng gamot. Napikon at nainis si Alberto. At bigla siyang napamura ng "putang ina".

Narinig ito ng kanyang ama, pinagsasampal siya at pinagpapalo-palo sa pwet. Kumuha ng sinturon at ipinaghahampas-hampas ang pwet ni Alberto.

"Itay, tama na po!!"
"Anong tama na? Hayop kang gago kang bata ka. Diba sinabi ko saiyo na wag na wag kang magsasabi ng "putang ina"? Putang ina mo! Sa harap pa ng nanay mo?!"
"Felipe, tama na. Nagsisisi na si Alberto".
"Tumahimik ka! Asawa lang kitang hayup ka!"
"Asawa mo lang ako? Hayop? Walang hiya ka, Felipe!"
"Oo, putang ina ninyo!"
"Putang ina mo rin Felipe!"
"Alberto, ihanda mo na ang mga gamit mo at lalayas na tayo dito. Hayop kang Felipe ka!"
"Inay, wag po tayong lumayas, inay."
"Putang ina, manahimik ka Alberto!"

Naghiwalay ang mga magulang ni Alberto.

Habang nasa biyahe sila kasama ang kanyang Inay pauwi ng probinsya. Malungkot siya dahil hindi niya napanood ang laban ng kanyang idolo sa tv. Mahaba ang biyahe, at ang tanging nasa isip lang niya ay kung sino ang panalo sa laban ni Pacman. Gabi na nang nakarating sila sa kanilang destinasyon. Narinig niya ang dalawang mamang nag-uusap tungkol sa laban ni Pacman sa tapat ng bakery shop.

"Tol, ang saklap ng pagkatalo ni Pacquiao no"
"Oo pre, paiyak na nga siya nun e"
"Di naman tol. Wag mo naman dagdagan ng barberong kwento, idol ko si Pacman tol"
"Seryoso pare, paiyak na siya"
"Tang ina naman tol e" (sabay sinapak ang kausap)
"Gago ka a!"

Nagkagulo sa tapat ng bakery shop.

Nang narinig ni Alberto iyon. Bumuhos ang kanyang mga luha sa mata. Tila gumawa nanaman ng bagong scandalo. Tumakbo siya sa kanyang Inay at sinabing talo ang kanyang idol, si Pacman.

Hindi nakatulog si Alberto ng gabing iyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento