4.25.2012

Pacman (Panimula)

Bata pa lamang si Alberto nang nahiligan na niya ang sports na "boxing". Marahil ito ay dahil sa kanyang ama na isang retiradong boxingero. Madalas siyang dinadala ng kanyang ama sa boxing gym na may dalawang kanto ang layo sa kanilang tinitirhan. Palagi siyang nanunuod sa mga nag-eensayo dun. Simula umaga, hanggang sa magsara ang gym. Kulang na lang ay doon na siya tumira. Isang maliksi at matapang na bata si Alberto. Mahilig makipag-away sa mga batang kalaro. Hinahamon niyo ito ng suntukan. At madalas siya ang parating talo     ayun, black eye ang inaabot. Madalas siyang umuuwing luhaan dahil sa kanyang mga natamong sapak sa mukha at iba pang parte ng kanyang katawan. Pero hindi siya nagpapadala rito. Dahil sa kanyang iniidolo.

Mahal na mahal ni Alberto si Manny "Pacman" Pacquiao. Mula sa pagkabata niya, hanggang sa pagtanda niya. Ang tanging pangarap lang ni Alberto ay ang makapiling niya si Manny Pacquiao, ang kanyang idolo, kahit sa isang saglit lamang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento