4.27.2012

Pacman VI: Wakas

"Mga kaibigan, kababayan at ang buong Pilipinas. Nais ko pong ipahatid ang aking pasasalamat sa aking kaibigan na si Alberto. Ibinuwis po niya ang kanyang buhay para sa akin. Ginamit ang sariling katawan maprotektahan lamang ako. Kung hindi dahil kay Alberto. Ako ang nasa burol at hindi siya. Lubos ang aking pasasalamat sa kanya at sa kanyang pamilya. Maraming salamat po".

Nailibing si Perding ng maayos. Kasama sa burol niya ay ang kanyang Manny Pacquiao memorabilia. Ang paboritong tshirt, sapatos, ang nasirang pencil case at iba pa.

Hindi man niya nakilala ng lubusan sa personal ang kanyang idolo. Masaya na siya dahil nagkita sila kahit saglit lamang. Namatay si Alberto na may ngiti sa kanyang mukha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento