4.27.2012

Pacman V: Pagkikita

Makalipas ang ilang buwan. Pumunta si Manny Pacquiao sa Malacañang Palace upang makipagkita sa petiks na Presidente ng Pilipinas na si Noynoy Aquino. Laking tuwa naman ni Alberto dahil malapit lang ang kanilang tinitirhan sa Malacañang. Hindi pa niya nakikita sa personal ang kanyang idolo. Ito na ang pinaka inaabangang araw ni Alberto. Araw araw siyang nakikinig ng balita para masubaybayan ang pagdating ni Manny Pacquiao sa Malacañang. Dalawang araw ang nakalipas at dumating na ang kanyang idolo. Agad siyang naligo at nag-ayos. Sinuot ang paburitong tshirt at rubber shoes na may mukha ni Pacman. Wala siyang oras na sinayang. Matapos ang ilang oras, rumonda ang sinasakyang float ni Pacman sa buong Maynila. Nababalitaang dadaan daw ito malapit kila Alberto. Agad siyang dimiretso doon. Hindi mahulugan ng karayom ang buong lugar. Pinilit niyang makalapit sa kanyang idolo.

Maya maya pa, may mga nagpaputok ng baril. Nagkalat ang mga terorista. Nagkakagulo ang mga tao. Ngunit hindi nagdalawang isip si Alberto na iligtas ang kanyang idolo. Dirediretso siya sa kinaroroonan ni Pacman. Tuloy tuloy pa rin ang putukan. Papalapit na siya, wala na siyang inaksayang oras.

Napasigaw si Alberto ng "Manny Pacquiao!!" Napalingon ang boksingero. Niyakap ng mahigpit ni Alberto ang kanyang idolo. Siya'y napangiti sa sobrang saya. Ngayon lang niya nakita sa personal ang kanyang idolo. Tuwang tuwa siya. Nagtataka si Pacman.

Maya maya pa.. Nakarinig ulit sila ng apat na putok papunta sa kanilang direksyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento