Ngunit nababalitaang tatakbo raw si Manny Pacquiao bilang Congressman ng Sarangani at iiwan na ang pagboboxing. Nalaman ito ni Alberto. Nabiyak ang kanyang puso. Sumikip ang kanyang dibdib. Hindi makahinga. At nawalan ng malay. Makalipas ang dalawang oras. Siya'y nagising habang binabantayan siya ng kanyang Inay.
"Anak, may sasabihin ako saiyo tungkol sa iyong idolong si Manny Pacquiao"
"Alam ko na po Inay. Iniwan na ako ng aking idolo"
"Alberto, habang tulog ka kanina, inanunsyo sa balita na tatakbong Congressman ng Sarangani si Pacquiao. Pero
"Pero ano po?"
"Hindi niya iiwan ang larangan ng boxing. Ipapagpatuloy pa rin niya ito"
"Talaga po Inay?!"
"Oo anak. Kumilos ka at maligo ka na. Punyeta ka, ang asim mo na!"
"Opo Inay!"
Muling bumalik ang ngiti sa kanyang mukha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento