4.25.2012

Pacman I: Pencil Case

Nung Grade 4 si Alberto, madalas niyang ipinagmamalaki ang kanyang paboritong pencil case na may picture ni Manny Pacquiao sa kanyang mga kaklase. Makintab at mukhang bagong bago pa ito. Walang gasgas, amoy bago at swabe. Isang araw, isa sa mga kaklase niyang siga ang lumapit sa kanya..

"Alberto, nung isang linggo mo pa pinagyayabang yang pencil case mo a! Ano, suntukan tayo? Mayabang ka e."
"Hindi ako nagyayabang, Waldo. Talagang iniidolo ko lang si Pacman. Wala akong intensyon na magyabang. Pero kung gusto mo ng suntukan, pagbibigyan kita". Sabay bulong sa sarili na, "Ipaglalaban kita idol".

Umuwing luhaan si Alberto. May black eye sa kanyang kaliwang mata at ang masaklap.. Sinira ni Waldo ang kanyang paboritong pencil case. Umiiyak siya ng pumunta siya sa kwarto niya. Dinedma lang ang mga magulang. Nagkulong at patuloy pa rin ang pag-iyak. Kinuha niya ang kahon sa sulok na may picture ni Pacman at kinuha rin niya ang lumang pencil case at idinikit doon ang picture ng kanyang idol. Tuwang tuwa si Alberto. Nakatulog siya ng mahimbing na may kasamang ngiti sa kanyang mukha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento