8.19.2011

Masarap ang sardinas.



Oo, masarap ang sardinas. Lalo na kung gutom ka. Kung walang makain. At lalong lalo na pag nandyan ka sa pinagpatong-patong na yero para may masilungan lamang.

Pero, may mas sasarap pa ba sa sardinas ng MRT at LRT-1? WALA. Oo, wala.

Pangalawang beses ko pa lang naman natitikman ito. Mabaho, maaasim, at swak sa inyong mga bulsa.

Para kayong i-eexport sa ibang bansa, pag tuwing sasakay ka doon, at pipilitin mong makapasok, makapunta ka lamang sa iyong nais na destinasyon. Wala na sigurong mas lulupit pa sa transportasyon na ito.

Lahat ng uri ng tao makikita mo dito. May mahirap, may mga mas mahirap sa mahihirap, may mga ma-iingay, pero madalas ang iba nanahimik na lamang, may mga mukhang tanga, may mga cool lang, may mga ma-iinit ang ulo dahil siksikan, at kadalasan mga simpleng mamamayan na nagtitiis, pero, ang pinaka-malupit, may mga mayayaman na papuntang DLSU( Kala ko ba mayayaman kayo? Eh bakit kayo sumasakay dito, trip niyo pala sardinas?).

Pauwi na ako, nang aking napag-isip isipan.

Hindi lang MRT ang ganito..

Kung hindi ang kasulok-sulukan at kasingit-singitan ng buong Pilipinas, mabaho at maasim at syempre, swak sa inyong mga bulsa.



*edited last 11/08/12

2 komento: