Nagising na ako, at agad agad kong sinulat itong binabasa mong kwento ko. Alam kong panaginip lang lahat, pero naniniwala ako na, kung sino man yung tao na yun, alam ko na ganito rin yung panaginip niya, Haaay, sana magkita kami sa personal. HAHA! O sya, paalam!
11.23.2012
Simpleng alaala
Nagsimula ang lahat sa LRT Anonas station. Nandoon ako, naghihintay ng tren na patungong Cubao. Habang naghihintay, may tumabing babae sa aking kanan. Nagkatinginan ang aming mga mata, pero deadmahan lang din. Simple lang siya, cute, at mahaba ang buhok. Maya't maya kinalabit ako at sinabing "Panalo a." At sinabi ko naman, "Ang alin?" Sabi niya, "Ang Beda!" At doon ko lang naalala na may laban pala ang San Beda at UST nung araw na yon. Pangkatuwaan lamang ang laro. Siguro't kaya niya nasabi sa akin yon dahil sa napagkamalan niyang estudyante ako ng UST dahil sa suot kong baller. Sinabi ko sa kanya na, "Hindi ko napanood yung laban e, tulog kasi ako buong araw. Congrats pala! Haha." At muling bumalik ang katahimikan. Hindi rin nagtagal, dumating si Tius ang aking matagal nang kaibigan. Nagkausap rin sila nung babae, pero sandali lamang. Naghintay ulet kami, kinausap niya ulet ako, nagkwento ulet siya, ngunit hindi ko maalala ang pinaguusapan namin non. Hindi rin nagtagal, may inannounce mula sa LRT Office na nagkaroon ng kaunting aberya sa mga tren, dahil lalabas na ang bago nilang modelo. At muli, napakwento nanaman siya. At biglang niyang hinawakan ang kanang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa yon. Medyo, nakakailang, pero alam ko na wala lang yun, patay malisya. Nang dumating na yung bagong modelo ng tren, magkahawak pa rin ang aming mga kamay. Nung sumakay na kami, kakaiba sa pakiramdam yung bagong tren, medyo sumikip kumpara sa dati. Nagkkwentuhan pa rin kami nung babae. Himala nga dahil ang byahe patungong Cubao mula Anonas ay parang Anonas to Recto na. Ewan ko ba, dahil siguro sa mga pinaguusapan namin. Nasa Cubao station na kami, palabas na, ang akala ko sa Cubao rin siya baba, kaso hindi. Nakalabas na kami ni Tius, at habang nagsasara ang mga pintuan, pasigaw kong sinabi na, "Add mo ako sa twitter, dannyboybaboy, with double n!" Sayang, dahil hindi ko man lang nalaman ang kanyang pangalan, at hindi ko rin maintindihan kung bakit twitter user ko ang sinabi ko. Nakakalungkot, dahil feeling ko yun na yun e. Parang may spark kumbaga. Pero sa huli, ang mas nakakalungkot ay ang.. panaganip lang ang lahat ng ito.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento